top of page

Case Study: Documentary Photography

Marami akong taong nakilala na halos ay kaedad ko na ipinagsasawalangbahala ang kanilang pag-aaral at nais ko sana mamulat sila sa kwento na ito na naglalarawan ng pagpupunyagi ng isang tao na marating ang kanyang mga pangarap sa gitna ng kasalukuyang paghihirap na kanyang dinaranas.

"MARICAR REYEs"

Maricar Reyes- Ang iyong akala isa siyang artista sa pinilakang tabing ngunit kapangalan lamang niya. Ang tanging pagkakapareho nila ay ang pagiging isang dilag ngunit magkaibang papel ang kanilang ginagampanan sa buhay.

Aking nakapanayam si Maricar Reyes, siya ay isang

"tindera" ng street foods sa labas ng aming subdivision. Ang araw ng kanyang kapanganakan ay Hunyo 24, 1997 at siya ay 20 taong gulang na.

Ang mga magulang niya ay si Mary Jane Reyes na isang house wife at si Federico Reyes na isang construction worker. Nakausap ko ang kanyang ina at kinamusta ko ang kanilang kalagayan sa buhay at ang kanyang sagot ay "maayos naman" ang kanilang pamumuhay, nakakakain naman sila at umaasenso ang buhay kahit papaano pero may ibang pagkakataon din na nagigipit sila.

Ang litrato ng mag-ina na si Maricar Reyes at Mary Jane Reyes.

May tatlo siyang kapatid. Sina Jeric , Federico Jr., at si Rico. Nakita ko lamang ang isang kapatid ni Maricar na si Federico Reyes Jr. na doon din sa subdivision namin naghahanap-buhay bilang isang "tricycle driver".

Litrato ng pamilya ni Federico Reyes Jr.

Si Maricar ay nakapagtapos lamang ng high school sa Lolomboy National. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng huminto siya sa pag-aaral. Nabanggit niya rin sa akin na hindi niya naituloy ang kursong Business Management ng dahil sa kakulangan sa pera pero sa susunod na taon ay mag-aaral muli siya at ipagpatuloy ang kursong Business Management. Gusto niya mag-aral sa STI Balagtas. Naitanong ko naman sa kanya kung ano ang pangarap niyang maging trabaho, gusto niya magtrabaho sa opisina bilang isang assistant, o kaya maging isang guro. Isa din sa pangarap niya ay mag-aral ng mass communication para maging isang journalist.

Naitanong ko kay Maricar kung meron ba siyang ibang naging trabaho bukod sa pagtitinda ang sabi niya ay ang una niyang naging trabaho ay sa hardware sa Sta. Rosa at nagtrabaho din sa CDO Factory ngunit umalis din ng dahil sa mababang sweldo.

Wala na siyang pagkakataon na maghanap pa ng ibang trabaho. Ang pagtitinda ng street foods ang naibigay sa kanya na trabaho ng ina ng kasintahan niya na may-ari ng isang tindahan.

Tirahan ng may-ari ng kanyang pinagkikitaan.

Ang may-ari ng street food stand ay meron din bukod na tindahan.

Napag-usapan na nilang mag-ina na magtayo sila ng sariling pangkabuhayan. Matagal man maitayo ang pinapangarap nila na sariling negosyo napagdesisyunan nila na lumaban sa hirap at umasenso sa buhay para makapag-aral si Maricar at makatapos.

Sa loob ng dalawang araw natutunan ko at nalaman ko sa buhay niya na hindi ganun kadali ang buhay. Kinakailangan natin maging masipag kung gusto nating umasenso sa buhay. Patunay si Maricar Reyes sa isa sa mga Filipinong makapagpapatunay na hindi ang hirap ang makakatalo sa atin dahil kung may sipag ka ay makakamit mo lahat ng iyong mga pangarap.

Kahit lumipas ang panahon at may mga bagay na makakatalo sa iyo ay babangon ka at lalaban sa buhay at kapagdaka'y mananaig.

Hindi mo dapat ikahiya ang paghahanap-buhay ng marangal.

bottom of page